YouScoop: Aksidente sa Sucat

GMA News
GMA News 418.3K Views
  • 3.6K
  • 1.3K
  • 869

YouScoop: Huli-cam sa helmet camera ni YouScooper Arjie ang aksidenteng kaniyang kinasangkutan sa may East Service Road, Sucat, Parañaque kaninang umaga.

Sa kuwento ni YouScooper, akala niya ay mago-overtake lamang ang jeep pero hindi ito huminto at sinakop na ang kaniyang lane. Sa abot ng kaniyang makakaya, gumilid si YouScooper para makaligtas sa mas malaking aksidente. Tumama ang jeep sa tambutso ng kaniyang motorsiklo. Ayon pa sa kaniya, nakita niya na may iba pang nabangga at nasugatan sa kaniyang likuran. Sa kuwento naman kay YouScooper Arjie ng ilang nakasaksi, nawalan umano ng preno ang jeep.

Paalala niya, maging alisto at mag-ingat upang maiwasan ang mga ganitong aksidente.

Posted 1 year ago in OTHER